E-Bingo hinoldap, P200k natangay

MAHIGIT sa P200,000 cash ang natangay ng apat na hindi kilalang mga armadong lalaki matapos holdapin ng mga ito ang E-Bingo sa Caloocan City, kagabi.

Sa salasay nina Hannah Silvestre, 29, at Rochele Veltohan, 34, kapwa cashier ng E-Binggo Past Play sa 5th Ave., C-3 Rd., Brgy. 51, dakong 9:30 ng gabi, nasa loob sila ng naturang establisyimento nang dumating ang apat na armadong lalaki at bigla na lamang pumasok saka tinutukan sila ng baril.

Dalawa sa mga ito ang agad na dinisarmahan ang guwardiya na si Ronie Lustica, 35, bago dinala sa loob ng banyo habang ang isa nama’y nagsilbing look-out, samantala ang isa ay nagtungo sa cashier at kinuha ang collection money na nagkakahalaga sa P253,877,00.

Matapos ito, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang humingi naman ng tulong ang mga biktima sa mga nagpapatrolyang tauhan ng PCP-2 na agad namang nagsagawa ng follow-up operation subalit, hindi na naabutan ng mga ito ang mga holdaper.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at maaresto. RENE MANAHAN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply