Ex-BI men kakasuhan ng plunder sa P50M extortion case

INIUTOS ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder laban sa dating Bureau of Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles dahil sa sinasabing pangongotong ng P50-milyon kay businessman Jack Lam kapalit ng paglaya ng Chinese nationals na nadiskubreng iligal na nagtatrabaho sa Pilipinas.

Kabilang din sa respondent sa parehong kaso si Asian Gaming Service Providers Association President Wenceslao Sombero Jr., na siyang nagmaniobra sa pagbibigay ng naturang pera.

Matatandaang ibinalik nina Argosino at Robles nitong nakaraang taon ang bribe money ngunit kulang na ito.

Sa ilalim ng batas, ang mga public officers na nagkamal ng P50-million ill-gotten wealth ay may pananagutan sa kasong plunder.

Ibinalik lang ng dalawa ang P49,999,000: P29,999,000 na nasa kustodiya ng Department of Justice (DoJ), P18-million sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), at P2-million sa Ombudsman. BOBBY TICZON

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply