Government employee, nagbigti

NATAGPUANG wala nang buhay ng kanyang mag-ina ang isang empleyado ng gobyerno nang magbigti gamit ang electrical cord sa ilalim ng hagdanan ng kanilang tahanan sa Quezon City kaninang hapon Oktubre 19, 2017.

Si Alexander De Joras Manuel, 50, ay natagpuang nakabigti sa kanilang tahanan sa B-10, L-19 Rosewood St., Hill Crest Subdivision, Barangay Kaligayahan, nasabing lungsod.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ng biktima alas-3:30 ng hapon sa loob ng kanilang tahanan sa nasabing barangay.

Sinabi sa pahayag ng asawa ng biktima na si Vicky Manuel, sinundo niya ang kanilang anak na si Angela sa paaralan, subalit pagdating nila ng bahay ay patay lahat ang ilaw ng kanilang bahay. Kung kaya binuksan nito ang ilaw at nagpunta sa kusina upang uminom ng tubig subalit laking gulat niya nang makita ang nakabigting katawan ng kanyang mister.

Agad na humingi ng saklolo ang ginang sa kanyang mga kapitbahay hanggang sa maibaba ang biktima mula sa pagkakabitin nito sa ilalim ng kanilang hagdan, subalit nang kanilang pulsuhan ay wala na itong buhay.

Sinabi ng ginang sa pulisya na wala naman siyang alam na problema ang kanyang mister subalit nitong mga huling araw ay napansin na nito ang pagiging malungkutin at parang laging bugnutin ng huli. SANTI CELARIO 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply