Hiling ni Faeldon na madismis ang kasong kriminal, sinopla

IBINASURA ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na i-dissmiss ang mga criminal complaints na inihain laban sa kanya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa P6.4-billion drug smuggling scandal.

Sa isang resolusyon, ibinasura ng DOJ investigating panel na binubuo nina assistant state prosecutors Aristotle Reyes at Rodan Parrocha ang gsuto ni Faeldon na ibasura ang reklamo laban sa kanya dahil sa issue ng hurisdiksyon.

Pero idineklara ng DOJ na mayroong silang hurisdiksyon na magsagawa ng preliminary investigation sa mga drug offenses na kinasasangkutan ng mga public officials na may salary grade na lagpas 27.

Nabatid na iginiit ni Faeldon na ang kaso laban sa kanya ay dapat na ihain sa Office of the Ombudsman at hindi sa DOJ dahil siya ay salary grade 30 bilang chief ng Bureau of Customs (BOC).

Samantala, nakasaad naman din sa desisyon ng DOJ na ang basehan sa pagbasura nila ng apela ni Faeldon ay ang DOJ resolution sa kaso ni Sen. Leila de Lima na inilabas noong Pebrero 12, 2017.

Ang desisyon na ito’y pinagtibay ng desisyon ng Korte Suprema sa illegal drug case ni De Lima. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply