ILIGAL NA SUGALAN SA R-3 PADER PA RIN

SA kabila ng kaliwa’t kanang reklamo ng mga constituent ng Region 3 sa pamumuno ng bagong Regional Director na si Gen. Amador Corpus, patuloy pa rin ang operasyon ng mga iligal na pasugalan at pagpapaihi ng produktong petrolyo.

Wala ni isang iligalista ang tumigil sa pag-oopereyt ng kani-kanilang kailigalan sa mga lalawigan ng rehiyon na buong tapang pa rin na ipinagnagmamalaki na hindi sila kayang tibagin.

Patuloy pa rin ang operasyon ng paihi ni JR Velasco sa mismong bukana ng highway ng Limay, Bataan pero hindi man lang kumikilos si Bataan PD Supt. Benjamin Silo para ipatigil ito.

Bakit? Siguro, marami siyang nasisilo sa paihi ni JR Velasco kaya kahit nasa tuktok na ng kanyang bunbunan ang paihi ng nasabing operator ay dinededma lang nito.

Maging ang mga operator ng iligal na pasugalan sa mga lalawigan ay hindi rin natitinag dahil patuloy pa ring namamayagpag ang mga ito.

Tuloy pa rin kasi ang operasyon ng peryahan na front ng iligal na pasugalan ni Eugene sa Abucay, Bataan ngunit hindi man lamang ipinahuhuli ni PD Supt. Silo sa kanyang mga pulis.

Samantala, patuloy rin ang operasyon ng tatlong mesa na drop balls ni Gazim sa Mexico, Pampanga, maging ang drop balls ni Efren Bicol sa San Rafael at tatlong mesa naman ng drop balls ni Evelyn sa Mabiga, Pampanga.

Bakit hindi kumikilos ang kapulisan ni R-3 RD Gen. Corpus laban sa pasugalan (Bulong lang to ‘ah. Magkano kaya ang lagayan?)?

UNTOUCHABLE NA LINGAYEN GAMBLING

Kung mapapasyal ka sa Lingayen, Pangasinan, mabubungaran na ninyo ang pa-color game at double pay ng isang Aling Ema I. na halos may kontrol sa pulisya ng Lingayen.

Walang aksyon ang hepe ng Lingayen Police na si Supt. Fidel Junio kahit na lantaran ang operasyon ng iligal na pasugalan ni Aling Ema I. sa nasabing bayan.

Palibhasa malaki ang payola na ibinibigay ni Aling Ema.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply