INASAHAN KO NA ANG INABOT NI DE LIMA

IBINASURA ng Korte Suprema ang petisyon o apela ni Senador Leila de Lima patungkol sa kanyang patung-patong na kaso na kinakaharap nito.

Tanong ko tuloy, nasaan na [nga] ang tikas noon ni de Lima? Nasaan na ang kanyang kapangyarihan noong panahon ng administrasyong Aquino kung saan lahat na [yata] ay binangga nito?

Naalala ko nang harangin ni de Lima ang dating Pangulong Gloria sa paliparan kahit na may kautusan na ang Korte Suprema na pwede itong lumabas ng bansa kahit na may kinakaharap itong kaso.

Doon nauso ang tinatawag na ‘lookout bulletin’ ng Department of Justice (DoJ) upang gawing sandata ng kagawaran upang ‘wag palabasin ng bansa ang akusado kahit pinayagan na ito ng korte.

Hindi na bago ang ginagawa ni Pangulong Duterte sa Korte Suprema at maging sa Ombudsman dahil kahit noong nakalipas na administrasyon ay ilang beses din nagsaltikan ang mga ito.

Naalala ba ninyo ang DAP o Disbursement Acceleration Program ng administrasyong Aquino kung saan sinalungat ito ng Korte Suprema?
Makaraan nito’y ilang beses inupakan ni PNoy ang Korte Suprema.

Mabalik tayo kay De Lima… ipinakita nito noon na kahit Korte Suprema kung saan naroon ang mga ‘de kalibreng’ mga tinatawag na ‘justices’ na silang nagbibigay ng hatol ay sinalungat niya ito.

Isa lamang ang Korte Suprema sa mga kilalang tao o institusyon na binangga noon ni de Lima kaya natitiyak kong kahit anong husay na abogada ang Senadora ay pihadong matatalo ito sa kanyang mga argumento.

Ito ang tinatawag noon ni Pareng Erap na ‘weather weather’ lang iyan. Sa ginawa noon ni de Lima bilang kalihim ng DoJ ay talagang kakaiba. Hindi siya nag-iwan ng kakampi maliban [yata] sa Partido Liberal.

Ngayong siya na ang inuusig, saan na kaya ngayon ang kanyang partido? Nasaan na ang kanilang suporta sa Senadora na ginamit nila noon na pang-dunggol sa mga kilalang tao at institusyon.

Kung paglaya ni De Lima ang pag-uusapan ay natitiyak kong malabo ito sa ngayon o kahit pa sa mga darating na panahon maliban na lang kung babalik sa kapangyarihan ang Partido Liberal.

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com. EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply