Isabel Granada, comatose sa Qatar hospital

ISASAILALIM sa operasyon ang aktres na si Isabel Granada na comatose ngayon sa ospital sa Doha, Qatar matapos ma-cardiac arrest.

Sinabi ng kaibigan ni Isabel na si Bianca Lapuz, isinugod si Granada sa ospital matapos itong mag-collapse nitong nakaraang Miyerkules.

Nasa kritikal na kondisyon ang kalagayan ng 41-year old actress na ngayon ay nasa Hamad General Hospital.

Sa impormasyon na natanggap mula rin sa pakikipag-ugnayan sa mga Pinoy sa Qatar, may massive internal bleeding sa ulo o aneurysm si Granada.

Noong October 18 nagtungo ng Doha si Isabel matapos itong imbitahan bilang celebrity speaker sa Philippine Trade Tourism Conference.
Sinasabing anim na cardiac arrest ang naranasan ng aktres. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply