Karagdagang pulis, ipoposte sa ‘hepa lane’

DINAGDAGAN pa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga tauhang magbabantay sa tinaguriang “hepa lane” sa university belt sa Morayta, Maynila.

Ito’y upang makatiyak na hindi na babalik ang mga nagtitinda sa lugar matapos buwagin dahil sa hindi nito pagpasa sa pamantayan ng kalinisan ng Manila Sanitation Division.

Kabilang sa mga itinalagang bantay sa lugar ang mga tauhan ng Manila Police District Station 4, Department of Public Service ng Maynila at ilang opisyal ng barangay.

Noong Miyerkules, nagbukas pa rin ang mga tindahan sa kabila ng utos ng lokal na pamahalaan na itigil na nila ang kanilang operasyon.

Bahagyang nagkagirian tuloy ang mga tauhan ng Manila City Hall at ang mga tinderong pumipigil na maisara ang kanilang puwesto.

Hindi umubra ang pagmamatigas ng mga nagtitinda dahil muling binuwag ang kanilang mga tindahan. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply