Kathniel fans ‘di matanggap na extra na lang ang kanilang idolo!

WE heard na nagpaliwanag na si Sir Mico del Rosario ng Star Cinema at Star Creatives tungkol sa pagpasok ni Angel Locsin sa LaLuna Sangre para payapain ang nagpupuyos na damdamin ng KathNiel fans pero hindi pa rin natinag ang mga ito. Tuloy pa rin sila sa kadadakdak.

Sabi ng isa naming katoto, “Naku, si_____ang may pakana n’yan. Ginagatungan niya ang ilang fans para mag-react. Alam mo naman ang ugali ng babaeng ‘yan, ayaw nyang nadedehado ang KathNiel lalo na si Daniel Padilla.”

Sino kaya ang girlitang ito? May ideya ba kayo?

Sabagay bakit nga naman hindi magpa-panic ang mga tagasuporta nina Daniel at Kathryn Bernardo eh, mas humahaba ang exposure ni Angel kesa sa dalawa. Habang tumatagal ay nawawala ang focus ng kuwento sa magka-loveteam na Malia and Tristan at napunta sa bagong tambalan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin bilang sina Jacintha at Gilbert. Sa kanilang love angle naka-concentrate ang istorya. Susme!

Kapag naaabutan naming palabas pa ang LaLuna…napapansin naming talagang ‘La Luna na’ humahaba ang papel ni Angel.

Akala nga namin nasakmal na ng bampira ang karakter nina Daniel at Kathryn kasi nang minsang mapanood namin ang seryeng ito, hindi namin nakita ang dalawa (o, baka nalingat lang kami). Panay sina Papa Richard at Angel lang ang na-sight namin.

May punto rin ang itinatanong ng mga fansita na bakit hinold ang gagawing movie ni Richard, upang makapag-concentrate sa pagbuild up sa muling tandem nila ni Angel na balitang may gagawin na nga raw pelikula ang dalawa at ang seryeng ito ang naging daan para ma-push ang tambalan nila? Pero yong proyekto raw na ginagawa ng KathNiel ay itinuloy-tuloy para ma-justify ang rason na kaya bibihira nang lumutang sina Daniel at Kathryn sa serye ay dahil busy sila sa kanilang ibang raket?

Naku, dapat siguro, yong babaeng pasimuno sa hate campaign na ito laban kay Angel ang patigilin ni Sir Mico (Salamat nga pala Sir Mico. Kahit labag sa kalooban mo inintindi mo pa rin ako. Si Lord na ang bahala sa kabutihan mo) para matigil na rin ang fans sa kapuputak. Sino sya?

DENNIS TRILLO, EXCITED NA SA TATLONG CHICKS!

Finally, in-announce na ng GMA Network kung sino ang leading man nina Rhian Ramos, Max Collins at Lovi Poe para sa kanilang upcoming primetime series na The One That Got Away.

And it is none other than the Kapuso Drama King Dennis Trillo himself. Marami ang natuwa dahil after Mulawin vs Ravena, may panibagong aabangan na naman daw ang fans niya sa kanya. Pero this time, iba ito dahil isang romantic sexy series naman ang offer na ito ng Kapuso Network. Kaya naman si Dennis, hindi maitago ang excitement na simulan ang trabaho with the three lovely ladies.

Aniya panibagong pampa-good vibes na naman daw ito at siguradong magugustuhan ng viewers. Bukod kay Dennis, pasok din sa cast sina Ivan Dorschner, Migo Adecer at ang pinakabagong Kapuso na si Jason Abalos. Kailan kaya ito ipalalabas ng GMA?

HEART EVANGELISTA, INALALA ANG BIRTHDAY NG NAMAYAPANG FAN

Heart Evangelista is truly not forgetful lalo na sa mga taong nagkaroon ng malaking impact sa buhay niya. Ito ang pinatunayan niya sa fans niya kamakailan lalo na nang ipost niya ang isang litrato sa kanyang social media account na Instagram kasama ang isang ginang na nasa hospital bed. Ito raw si Ate Lolit, ang fan ng My Korean Jagiya actress na nanguna noon sa isa niyang fans club na HeartWorld.

Sa caption niya, binati ito ng Kapuso actress dahil birthday niya ngayon ngunit ang pinakanag-move sa fans ni Heart ay nang malaman na nilang pumanaw na ito dahil sa cancer two years ago. Marami ang humanga sa kanya dahil talagang hindi siya nakalilimot. Nakatutuwa naman dahil ibinabalik naman ito ng kanyang fans in any way. Good job, Hearty! PAPAK!/ABE PAULITE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply