Kongreso ‘hands-off’ sa alitang Ombudsman-Duterte

TUTOL ang ilang partylist na kongresista na sumawsaw pa ang Kongreso sa banggaan ng Ombudsman at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nina Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe at ABS Partylist Rep. Eugene de Vera na masyado ng maraming panukalang batas, impeachment at isyu ng pederalismo ang kinakaharap na usapin ng Kongreso.

“Magulo na nga iyan, papasok pa ang Kongreso, gulo na lahat. Ang dami-dami pa naming gagawin. Maraming pending bills, may impeachment pa kami, sasawsaw pa kami, gulung-gulo na tayo,” ani Batocabe.

Sinabi rin rin nina Batocabe at De Vera na style ng pangulo ang dumepensa sa mga alegasyong ibinabato laban sa kaniya.

“Kung ayaw ninyong dumepensa ang pangulo ay huwag ninyo siyang akusahan. I think the president is entitled to all kinds of defenses under the law, just like anybody being accused of any irregularities, anomalies or a crime,” ani Batocabe.

Ito ang tahasang sinabi ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe sa mga bumabatikos sa pangulo matapos nitong resbakan ang Ombudsman dahil sa pagbabanta na iimbestigahan ang pamilya ng Pangulong Duterte.

Ito’y kaugnay sa pahayag ni Deputy Ombudsman Art Carandang na nakatanggap umano siya ng mga dokumento mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may bilyong pisong deposito diumano si Duterte sa bangko.

Giit naman ni de Vera na may nangsisinungaling sa pagitan ng Ombudsman at AMLC na parehong nagtuturuan ngayon.

“So meron dito nagbibigay ng hindi tamang impormasyon. Hindi natin alam kung ang AMLC ay ayaw lang panindigan ang sinasabi nila o hindi rin natin alam kung ang tinanggap ng Ombudsman ay totoo o hindi,” ani De Vera.

Anila, gampanin ng presidente na tingnan kung ang mga batas sa bansa ay naipatutupad ng maayos o hindi. MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply