KUDOS SA MGA SUNDALO AT PULIS SA MARAWI

HINDI ko maiwasan ang labis na humanga at sumaludo sa ating kasundaluhan at pulis na siyang nasa frontline ng bakbakan sa Marawi City.

Halos inabot nang limang buwan bago naideklarang liberated na ang dating masiglang lungsod sa western Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kalunos-lunos ang iniwan ng digmaan na binuwisan ng maraming buhay hindi lamang ng mga sundalo’t pulis kung hindi ng maraming sibilyan at mga kasapi ng Maute terrorists.

Sa kabila ng kadakilaan ng ating mga sundalo at pulis, may ilang residente ng Marawi ang nagbibintang pa na sila ay nilooban ng mga magigiting nating pulis at sundalo.

‘Wag naman at hindi marapat na sila ay paghinalaan man lamang sa kabila ng kanilang masidhing pagnanais na mapatay ang mga kasapi ng Maute terrorists.

Unang-una, wala silang malinaw na ebidensya. Sabi-sabi lang na walang batayan.

Nakalulungkot na ang mga magigiting nating tagapagtanggol ng demokrasya na itinataya ang kanilang buhay ay napagbibintangan pang nagnakaw sa kasagsagan ng digmaan.

+++++

Aabutin pa ng mahigit na dalawang buwan bago tuluyang payagang makabalik ang mga residente sa Marawi dahil kailangan pang linisin ng bomb explosive units ang buong lungsod ng Marawi laban sa mga bombang hindi pumutok at mga booby trap na iniwan ng Maute.

Kailangang matiyak muna na ligtas na ang kapaligiran sa kabila ng pag-amin ng mga eksperto na hindi nila kayang garantiyahan na 100 percent na wala nang bomba.

Kung ‘yun ngang mga vintage bomb na salamin ng ikalawang digmaan, hanggang ngayon may nahuhukay pa rin kahit saan.

Umasa tayong gagawin ng mga dalubhasa ang kanilang kakayahan upang matiyak na ligtas na ang buong kapaligiran ng Marawi.

++++++

Gagamitin daw ng pamahalaan ang bahagi ng nakolektang pera mula sa Mighty Corporation na nandaya ng pagbabayad ng buwis.

Umabot sa halos P50-bilyon ang ibinayad ng Mighty kapalit ng pag-atras ng gobyerno na sila ay kasuhan ng tax evasion.

Magandang panimula ito dahilan sa pagpasok ng bagong taon, may nakalaan ng pondo ang pamahalaan para sa rehabilitasyon ng lungsod ng Marawi.

Marami namang tumutulong mula sa pribadong sektor sa muling pagbangon ng lungsod.

+++
Isaiah 38:17 My bitterness will turn into peace. You save my life from all danger; You forgive all my sins. WATERING HOLE/SAMMY MARTIN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply