Labis-labis na kaltas-sahod, inirereklamo na ng mga guro

LUMOLOBO ang bilang ng mga guro na nagrereklamo kaugnay sa pagbaba ng kanilang naiuuwing sahod dahil sa awtomatikong kaltas sa kanilang mga utang.

Sinabi ni Ang Edukasyon Partylist Rep. Salvador Belaro sa Department of Education (DepEd), marami nang guro sa pampublikong paaralan ang nananawaan na suspendihin ng DEpEd ang implementasyon ng Deped Order Nos. 12 at 27, S. 2017.

Ito ay ang “Implementation of P4,000.00 Net Take Home Pay for Department of Education Personnel.”

Apela ni Belaro sa DepEd, gawan ng paraan na mabawasan ang pasaning ito ng mga guro na may mga utang sa Government Service Insurance System (GSIS) dahil sa mga lomolobong multa at interest.

Sa 2017 General Appropriations Act (GAA) ay nakasaad sa Section 47 ng Special Provisions na dapat maipatupad ang P4,000.00 net takehome pay limit sa lahat ng government employees upang masiguro na hindi magmamalabis ang pagkaltas sa sahod ngunit itinaas ito sa 2018 GAA na P6,000.

Ngunit marami pa rin ang nagbalewala sa tuntuning ito at patuloy pa rin ang paglobo ng interest at multa.

“The Department of Education should do much more than simply issue department orders about those loans that many teachers keep incurring from private lending institutions. In-service training of teachers MUST include intensive formal briefings on financial literacy and managing personal finances.”

Paalala pa ni Belaro sa mga guro ay “ensure that they have the capacity to pay loans being applied for.”

Kailangan aniyang tiyakin naman ng mga nagpapautang na ang guro ay may kapasidad pang magbayad ng dagdag na utang bago aprubahan ang mga panibagong aplikasyon. MELIZA MALUNTAG

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply