Lola inararo ng jeep, patay

NASAGASAAN habang tumatawid sa kalsada ang 76-anyos na babae sa Sampaloc, Maynila.

Naisugod pa sa Philippine General Hospital (PGH) ngunit binawian din ng buhay ang biktimang si
Corazon Cabrera, 76, ng 1701 Dimasalang Street sa Sta. Cruz, Manila bunsod nang matinding pinsala sa ulo at katawan .

Naaresto naman ang suspek na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide na si Gerald Montero, 22, jeepney driver at residente ng 49 Dimasalang Street sa Sta. Cruz.

Sa report, dakong 3:00 ng hapon nang maganap ang aksidente sa Dimasalang Street kanto ng J. Marzan Street sa Sampaloc.

Tumatawid ang biktima sa kalsada nang bigla na lang mahagip ng pampasaherong jeepney (PYW-988) na minamaneho ng suspek, sanhi upang tumilapon ito sa kalsada. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply