Lolo na 18-taon nagtago sa kasong rape, tiklo

MATAPOS ang 18-walong taong pagpatatago, nakwelyuhan din ng pulisya ang isang lolo na nanghalay sa kanyang dalagitang kapitbahay sa Camalig, Albay.

Sinabi ni C/Insp. Darwin Asejo, hepe ng Camalig Municipal Police, ang suspek ay nakilalang si Adriano Llantero, 82, ng Brgy. Ilawod.

Si Llantero ay nahaharap sa kasong panghahalay na walang inirekomendang piyansa.

Ayon kay Asejo, nangyari ang panghahalay noon 1998 at lumabas ang warrant noong 1999 ngunit nakatakas na ang suspek na napag-alamang nagtago sa Lupi, Camarines Sur.

Kapitbahay lamang ng suspek ang 10-anyos na biktima nang mangyari ang insidente.

Nabatid na ilang beses ding bumalik ang suspek sa Camalig ngunit hindi ito nahuhuli ngunit nito lamang Oktubre 9 nang makatanggap sila ng impormasyon na nananatili ang suspek sa kanyang dating bahay.

Dito na hinuli ang suspek na ngayon ay nasa Camalig Bureau of Jail habang hinihintay ang court proceeding laban sa kanya. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply