Magkakabarkada pinagbabaril habang nag-iinuman

PATAY ang tatlong magkakabarkada makaraang pagbabarilin ng limang armadong lalaki habang nag-iinuman sa Quezon City kaninang hating gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga magkakabarkada na sina Charlie Roxas Jr., 37, consuction worker ng No. 133 Premium Ext., Bgy. Sangandaan, QC; Jimbo Laruco, 29, messenger, ng No.72-219 Insurance St., Brgy. Sangandaan at Joel Inocencio,38, driver ng No. 131 Premium Ext., Brgy. Sangandaan, QC.

Sina Roxas, Laruco at Inocencio ay kapwa tumimbuwang at binawian ng buhay dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Ayon sa ulat, alas – 11:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa tapat ng bahay ni Roxas sa Bgy. Sangandaan, QC.

Sinabi sa ulat na nag–iinuman sa tapat ng bahay ni Roxas ang mga biktima nang biglang dumating ang limang armadong lalaki at pinagbabaril ang biktima.

Nang masigurong tumimbuwang ang tatlo at wala nang buhay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa madilim na lugar sa dulo ng Insurance Ext., naturang Barangay.

Nauna rito bago naganap ang pamamaril ay tinutukan pa ng baril at pinadapa ang nadaanang ilang residente sa lugar.

Nabatid din sa saksing si Dante na namataan din niya ang limang armadong lalaki na patungo sa grupo ng nag–iinuman at ilang saglit di kalayuan sa may Premium Ext. ay nakarinig siya ng sunod sunod na putok ng baril.

Nakakuha ang mga awtoridad ng 15 basyo ng bala ng baril sa lugar ng pinangyharihan. SANTI CELARIO

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply