Makulit na lolo, pinatay sa bugbog

dead1

URBIZTONDO, PANGASINAN – Dahil sa sobrang kakulitan, isang 63-anyos na lolo ang patay matapos bugbugin ng mag-ama sa Brgy. Dalaguiring, Urbiztondo sa nasabing lalawigan kahapon, October 11.

Nakilala ang biktimang si Nereo Bautista, ng nasabing bayan.

Habang ang mag-amang suspek ay sina Al de Vera at anak nitong si Eleazar, kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon, sinabi ng Urbistondo police na nakulitan ang mag-ama dahil sa sobrang kadaldalan nito at kung ano-ano ang sinasabi laban sa kanila.

Dahil dito, pinagtulungang bugbugin si Bautista hanggang sa malugmok sa lupa.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit patay na ito nang dumating.

Agad namang sumuko ang dalawang De Vera sa himpilan ng Urbiztondo police. ALLAN BERGONIA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply