MALING PAHAYAG NG IDPA ‘DI DAPAT PINALALAMPAS

ANG malisyosong pahayag ng pitong delegado ng International Delegates of Progressive Alliance ng EU ang dahilan kaya nag-init ang ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya tuloy nagbigay siya ng 24 oras sa mga ambassador na kabilang sa Europian Union na nakabase sa bansa.

Tama nga naman ang Pangulo na lantarang binabastos ng pitong delegado na ito ang soberanya ng Pilipinas kaya sa galit niya ay napagtuunan niya pati ang mga ambassador na naka-detail sa bansa.

Pero ganon pa man, nilinaw kaagad ito ni Presidential Spokeperson Usec. Ernie Abella na hindi ang mga ambassador ng EU ang pinalalayas ng Pangulo kundi ang bastos na pitong delegado ng IDPA na yumurak sa soberanya ng bansa.

Ang ginawang pagtuligsa ng pitong delegado ng IDPA sa pahayag nila tungkol sa walang patumanggang pagpatay sa ilalim ng gobyernong Duterte ay isang napakalaking insulto sa bansa.

Dahil hindi lamang po si Duterte ang binabanatan dito ng mga lintik na mga delegadong ito kundi maging ang buong sambayanan ay apektado sa kanilang malisyosong bintang na ikawawasak ng integridad ng bansa mula sa mata ng buong mundo.

Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit hanggang ngayo’y napakahina ng intelligence networks ng bansa dahil bigo pa rin tayo na ma-monitor ang tunay na dahilan ng pagpunta ng pitong delegado ng IDPA sa bansa.

Bakit nakalulusot pa rin ang mga ganitong pahayag ng IDPA sa sunod-sunod na pagpatay sa mga nasasangkot sa kalakalan ng illegal drugs na isinisigaw sa buong mundo.

Aba’y ‘pag ganyan, walang patutunguhan ang Pilipinas.

***

Hindi pa rin kumikilos ang pulisya ng Limay, Bataan para hulihin ang “paihi” ni Jr. Velasco sa nasabing bayan na maliwanag pa sa sikat ng araw na isa itong economic sabotage dahil pinagnanakawan nito ang mga produktong petrolium sa merkado.

Walang aksyon si Limay COP P/Insp. Mad Julman sa nasabing pananabotahe sa ekonomiya. Magkano?

oOo
Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply