MARAHAS, MABILIS NA AKSYON vs TRAPIK SA MM

SINASABING doble ang populasyon ng Metro Manila tuwing Kapaskuhan.

Ang nasa 15-milyong karaniwang dami ng naninirahan sa lugar ay nagiging 25-30 milyon.

Maraming taga-lalawigan ang pumupunta sa Metro Manila at ang dami ng mga ito ay mas malaki ang bilang kaysa mga umaalis at bumibisita naman sa mga malalayong lugar.

Kasama sa mga dumaragsa sa Metro Manila ang mga overseas Filipino worker na nagbabakasyon at mga dumaragsang turistang dayuhan.

Sa Metro Manila kasi makakikita ng mga kakaibang tanawin sa mga oras ng Kapaskuhan at dito rin ang sentro ng mga bilihin na dumadaloy sa mga lalawigan.

Ito na rin umano ang isang malaking dahilan kung bakit sumosobra ang trapik sa Metro Manila.

Kaya naman, sinasabi ng lahat ng sangay ng pamahalaan na sangkot sa pagdaloy at pagkontrol sa trapiko ng tao at sasakyan ay gumagawa na ng mga programa laban sa heavy traffic ngayon pa lamang.

Kabilang sa mga programa ng mga ito ang paglilinis sa lahat ng mga bara sa lansangan.

Kung ano ang ibig-sabihin ng mga bara sa lansangan ay depende sa kung sino ang tatanungin mo.

Halimbawa, ang mismong pamahalaan ang nagpahintulot ng pagbaha ng mga sasakyang Uber at Grab sa Metro Manila ngunit hindi ito itinuturing na bara sa lansangan ang mga ito.

Hindi rin itinuturing na bara sa lansangan ang paggawa ng mga kalsada at kasabay ng paglalagay ng kanya-kanyang gate ang mga mamamayan sa mga city street at pagturing nilang private subdivision ang mga ito.

Heto naman ang ilang mungkahi natin.

Pairalin na ang patakaran na lahat ng mga sasakyan sa Metro Manila ay magkaroon ng mga sariling garahe.

Ang mga gumagarahe na sasakyan sa mga lansangan ay dapat na hilahin at ilagay sa mga impounding areas.

Lahat ng mga restawran, barangay hall, simbahan, basketbolan, vulcanizing shop at iba pa.

Lahat din ng mga korapsyon at bara sa maayos na operasyon ng mga tren, kasama ang mga palpak na maintenance provider ay sibakin, gaya ng Busan diyan sa MRT-3.

Ang mga nangongotong na pulis, traffic enforcer at barangay officials ay pagsisibakin din dahil bara rin sila sa mga kalsada. PAKUROT/LEA BOTONES

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply