Marawi city ops, ‘mission accomplished’ – Biazon

“MISSION ACCOMPLISHED.”

Ito ang ipinahayag ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa pagkakadeklara ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na tapos na ang operasyon ng militar sa Marawi City.

Banggit pa ng kongresista, ang labanan sa Marawi City ay hindi na mabubura sa kasaysayan ng Philippine Military bilang isa sa pinakamatindi at mapait na pakikidigma ng AFP.

Ang malaking bilang aniya ng nasawi at nasugatang sundalo maging sa puwersa ng kalaban, ang tagal ng labanan at ang pagkawasak sa tirahan at buhay ng sibilyan ay isang malaking dagok sa kampanya ng pamahalaan para sa mga pagbabago sa Mindanao.

Giit pa ni Biazon, dapat lamang na kilalanin at pasalamatan ang mga sundalo na sumabak sa mga terorista.

Sa mga nagbuwis ng buhay ay iminungkahi ni Biazon na ipagtayo ng marker o memorial ang mga ito sa Marawi City bilang pagpupugay sa sakripisyo ng mga ito mailigtas lamang ang Islamic city sa kamay ng mga terorista.

Ngunit higit aniya sa isang marker ay dapat unang atiyak ng gobyerno naaalagaan ang pamilya ng mga nasawing sundalo lalo na sa benepisyo.

Ipinasisiyasat na rin ni Biazon kung paano nagsimula ang giyera at kung may dapat managot sa kawalan ng intindi sa mga intelligence report ukol dito nang sa gayon ay hindi na aniya ito maulit.

“These and other questions and issues could not be taken up during the height of the conflict but now that the fighting is over, we must be prepared to search for answers, with the end in view of avoiding them in the future.” MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply