May drug trade pa rin sa bilibid – Magdalo Rep. Alejano

NANINIWALA si Magdalo Representative Gary Alejano na tuloy pa rin ang transaksyon ng iligal na droga sa Bilibid.

Ayon kay Alejano batay sa kanyang natatanggap na impormasyon patuloy pa rin ang transaksyon ng iligal na droga sa Bilibid, at nakakagamit pa rin ng cellphone at internet ang ilan sa mga ito para maisakatuparan ang nasabing transaksyon.

Dagdag pa ni Alejano, maging si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay inamin din na may transaksyon ng iligal na droga sa Bilibid.

Marami rin aniya ang nakinabang sa loob ng Bilibid sa pagkakadiin ni Senadora Leila de Lima sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Hindi rin aniya magawang bumaliktad ng iba dahil kumpiyansa ang mga ito na kontrolado nila ang galaw sa loob.

Giit ni Alejano, dapat ay palitan na ang sistema dahil kung hindi ito bubuwagin ay magpapatuloy pa rin ang gawain ng droga. JOHNNY ARASGA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply