Meralco giniba ang Ginebra

GUMANTI para sa unang panalo ang Meralco Bolts laban sa Barangay Ginebra Kings sa iskor na 94-81 sa Game 3 ng best-of-seven series ng PBA Governors’ Cup Finals kagabi, Miyerkules.

Nanguna sa Bolts si Allen Durham sa kanya halimaw na performance na 38 points, 20 rebounds at limang blocks.

Hawak pa Ginebra ang kalamangan sa pagtatapos ng first half, 47-46, hanggang sa kumamada ang Bolts at tuluyang makalayo sa pagpasok ng last quarter.

Napikon pa si Ginebra coach Tim Cone matapos na tumawag ng timeout si Bolts coach Norman Black kahit lamang sila ng 13 puntos sa natitirang huling 30 segundo ng laro.

Kaya naman nang matapos ang laro ay dinedma ni Cone ang pakikipagkamay ni Black sa kanya pero pinagsisihan din nito ang kanyang inasal.

Nagpakitang-gilas din si Reynel Hugnatan sa kanyang 22 puntos kabilang ang 7-of-12 na tres.

Dahil dito, nadagdagan ng isang laro ang serye, 2-1, kung saan ang Game 5 ay gaganapin sa Philippine Arena. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply