Mga atletang luluhod sa US nat’l anthem, pagmumultahin

PAGMUMULTAHIN ni US President Donald Trump sa ilalim ng tax law ang mga manlalarong muling luluhod sa pagkanta ng kanilang national anthem bilang protesta.

Ito’y matapos ang mga insidente ng pagluhod ng ilang players ng National Football League bilang kanilang pagtutol sa racialm injustice.

Sa isang tweet ni Trump, kinuwestyon nito ang paggiging tax free ng mga NFL players pagkat hindi nirerespeto ng mga atleta nito ang kanilang pambansang awit.

Ayon kay NFL chief spokesman John Lockhart, dismayado rin ang kanilang hanay sa nangyayaring sitwasyon, ngunit hinihikayat umano nila ang mga manlalaro na tumayo tuwing aawitin ang Star-Spangled Banner.

Aminado rin ito na wala pang manlalaro ang nabigyang-disiplina ukol dito.

Wala pang tugon ang NFL Players Association sa nasabing posibleng pagbabago sa patakaran.

Una rito, nag-walk out si Vice President Mike Pence sa isang NFL game nitong nakaraang linggo matapos lumuhod ang 12 manlalaro ng San Francisco 49ers. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply