MMA fighter Jon Cris Corton, handa na sa laban sa Sabado

coron1

HANDANG-HANDA na si Mixed Martial Arts (MMA) fighter Jon Cris Corton sa kanyang laban sa Sabado na magaganap sa Baguio Convention Center.

Makakaharap ng Team Lakay fighter si MMA artist Jhunior Diapolit mula sa D’ Elements Gym.

Tiniyak ni Corton na syento porsyento itong nakahanda sa pakikipagbakbakan kay Diapolit.

Aniya, ang gagawin na lamang niya sa mga susunod na araw bago ang laban ay ang bantayan ang kanyang timbang.

Aminado naman ang Igorot artist na malakas si Diapolit lalo na’t may alam ito sa boksing.

Sa ngayon ay mayroong standing record si Corton na 5 wins at 3 loss. BOBBY TICZON

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply