Motor vs owner-type jeep sa Cavite, 3 patay

PATAY ang tatlong katao nang magsalpukan ng motorsiklo at owner-type jeep sa bayan ng Silang, Cavite, Huwebes ng gabi.

Patay lahat ang ng lulan ng motorsiklo makaraang mabangga ng owner-type jeep sa kahabaan ng Brgy. Biga Uno dakong 8:30 kagabi, Huwebes.

Sa inisyal na ulat, minamaneho ng suspek na si Alex Rañola ang jeep sa Aguinaldo Highway sa kasagsagan ng malakas na ulan nang masalpok nito ang kasalubong na motorsiklo lulan ang tatlong biktima.

Dahil sa lakas ng banggaan, namatay ang mga biktimang sina Francis Avila, Emerson Reyes at Sunny Llorico na pawang mga lulan ng motorsiklo.

Habang isinugod din sa pinakamalapit na ospital ang mga sakay ng jeep.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing aksidente. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply