Negosyante dedbol sa tandem

SA kabila ng paglunsad ng mga awtoridad ng laban sa riding-in-tandem, isang 31-anyos na mister ang binaril at napatay ng ‘di pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang tindahan kagabi, Oct. 23, sa Malabon City.

Pawang mga naka-helmet ang dalawang hindi pa nakikilalang salarin na mabilis na sumibat sakay ng motorsiklo patungong Arkong Bato, Valenzuela City matapos mapatay si Byron Luna sa loob ng kanyang tindahan sa 134 M.H. del Pilar St., Brgy. Santulan, pasado alas-8:30 ng gabi.

Agad namang dinala ng mga kamag-anak ang biktima sa Valenzuela Medical Hospital subalit hindi na ito umabot nang buhay sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan.

Sa isinagawang imbestigasyon nina PO2 Rockymar Binayug at PO2 Junny Delgado, abala ang biktima sa kanyang pagtitinda nang biglang dumating ang mga suspek sakay ng kulay itim na Mio motorsiklo at agad ipinarada sa harap ng tindahan.

Dito ay bumunot ng baril ang isa sa suspek at malapitang binaril si Bayron na agad nitong ikinamatay.

Sinabi ng saksi, nang matiyak ng suspek na patay na ang biktima ay agad itong sumakay sa naghihintay na motorsiklo saka mabilis na sumibat patungong Valenzuela City.

Nakarekober sa pinangyarihan ang mga pulis ng isang empty shell ng kalibre .45 at isang hindi pa batid na kalibre ng baril.

Patuloy na inaalam ng imbestigador ang tunay na motibo sa pagpatay sa nasabing biktima. ROGER PANIZAL

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply