Odette bumilis, signal #1 itinaas sa 9 na lugar

bagyong-glenda4

ITINAAS na ngayon ng state weather ang signal no. 1 sa siyam na lugar sa Cagayan Province dahil sa paglapit ng bagyong Odette.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mga lalawigan ay ang Batanes, Cagayan, kasama na ang Babuyan group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Ayon sa 11 a.m. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Odette sa layong 540 km. silangan ng Tuguegarao City, Cagayan at tinataya itong kikilos ng pa-kanluran sa bilis na 30 kph.

Ang tropical depression ay may maximum winds na aabot ng 55 kph malapit sa gitna at pagbugso ng aabot naman sa 65 kph.

Inasahang ang pagbuhos ng ulan ay magiging mahina hanggang malakas sa loob ng 350-km diameter ng bagyo.

Ang mga nabanggit na lugar ay makararanas ng 30-60-kph winds sa loob ng 36 oras. Ang alon sa karagatan sa mga nabanggit na lugar ay naglalaro mula 1.25 – 4 meters ang taas.

Sinabi ng PAGASA na ang pagbiyahe sa karagatan ay peligroso sa northern at eastern seaboards ng Northern Luzon. Sanhi ito ng northeasterly surface windflow na pinalakas ng bagyong Odette.

Sa Biyernes ng umaga, si Odette ay inaasahang nasa 50 km kanluran timog-kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

Sa Sabado naman ng umaga, inaasahan na ito’y nasa 575 km. kanluran ng Laoag, na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, posibleng tamaan ang Ilocos at Cagayan kapag nag-landfall ang sentro ng bagyo. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply