Oil companies, may malaking rollback next week

oil-price1

MATAPOS ang walong sunud-sunod na oil price hike ay magpapatupad naman ng price rollback ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Sa inilabas na advisory ng Department of Energy (DOE), kanilang inanunsyon na aabutin ng P0.75 ang bawas-presyo ng gasolina sa araw ng Martes.

Aabot naman sa P0.55 kada litro ang kaltas sa presyo ng diesel samantalang P0.90 naman sa kerosene o gaas.

Pwede pang magbago ang nasabing halaga depende sa magiging resulta ng kalakalan sa Lunes ayon sa DOE.

Sa kasalukuyang, naglalaro mula P41 – P50 ang halaga ng kada litro ng gasolina dito sa Metro Manila samantalalang mula P31 – P36 naman sa presyo ng bawat litro ng diesel. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply