Oil price hike, muling umarangkada

MATAPOS ang pabarya-baryang rollback nito lamang nakaraang linggo sa presyo ng mga produktong petrolyo, nagpatupad naman ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis epektibo ngayong araw.

Pinangunahan ng Flying V ang dagdag-presyo na P0.65 kada litro ng gasolina, P0.35 sa diesel, at P0.55 kada litro sa kerosene epektibo alas-12:01 ngayong madaling-araw.

Sumunod naman ang kumpanyang Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum Philippines, PTT, Eastern Petroleum at iba pang kumpanya ng langis sa pagpapatupad ng dagdag-presyo sa kahalintulad na halaga na naging epektibo alas-6:00 ngayong umaga.

Inaasahan namang susunod na maglalabas ng anunsyo ang iba pang kumpanya ng langis sa bansa sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. JAY REYES

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply