Oil price rollback, ipatutupapad ngayong araw

oil-price6

IKINASA na ng mga kumpanya ng langis ang tapyas-presyo sa kanilang mga produkto.

Epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Seaoil at Flying V ang P0.50 rollback sa presyo sa kada litro ng gasolina, P0.45 sa diesel at P0.85 sa kerosene.

Nagpatupad din ng kahalintulad na tapyas-presyo ang Petron, Eastern Petroleum, Total, PTT Philippines, Phoenix Petroleum at Shell, mamayang ala-6:00.

Ito ang unang beses na nagpatupad ng price rollback ang mga oil company ngayong buwan matapos ang limang sunud-sunod na linggong price increase.  -30-

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply