Oplan Greyhound, ikinasa sa Antipolo City Jail

MATAPOS ang sorpresang inspeksyon sa Quezon City Jail nitong Lunes, isinunod na salakayin ng awtoridad sa pamamagitan ng kanilang Oplan Greyhound ang Antipolo City Jail (ACJ) sa Rizal kaninang umaga at nakarekober ng ilang kontrabando na mahigit sa 1,300 .

Pinangunahan ng mga personnel mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine National Police ang pagsasagawa ng Oplan Greyhound sa 11 dormitoryo ng nasabing detention center.

Kabilang sa mga nakumpiskang epektus sa operasyon ay isang improvised knife na gawa sa kutsara, ayon sa ulat.

Iba pang narekober na kontrabando ng awtoridad ay kabilang ang water heaters, ink na ginagamit sa pagta-tattoo, plastic bottles, at mahabang sinturon.

Ayon sa ulat, ang Oplan Greyhound ay nasa trial stage pa ng BJMP.

Ang Antipolo City Jail ay may kapasidad lamang na 86 inmates pero sa kasalukuyan, ang kulungan ay may nakakulong na 1,346 katao, na ang kinasasangkutang kaso ay patuloy na dinidinig sa mababang korte.

Isinagawa na rin ng awtoridad ang Oplan Greyhound sa Misamis Oriental Provincial Jail noong nakaraang Martes.

Nito lamang nakaraang Lunes, inilatag na rin ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency, BJMP, at ng Quezon City Police District ang isang sorpresang inspekyon sa QCJ sa ilalim din ng parehong operasyon.

Nakumpiska sa loob ng mga selda ang mga kutsilyo na gawa sa kahoy, ilang bilabg ng pipa at kutsara, tinidor at mga malalaking pako. BOBBY TICZON 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply