P.2M natangay sa E-BINGO

MAHIGIT sa P.2 milyon cash ang natangay ng apat na hindi kilalang armadong lalaki matapos holdapin ng mga ito ang E-Bingo sa Caloocan City, kagabi.

Sa salasay nina Hannah Silvestre, 29 at Rochele Veltohan, 34, kapwa cashier ng E-Bingo Past Play sa 5th Avenue, C-3 Road, Bgy., 51, alas-9:30 ng gabi, nasa loob sila ng naturang establisimiyento nang dumating ang apat na armadong lalaki at bigla na lamang pumasok saka tinutukan sila ng baril sabay pahayag ng holdap.

Dalawa sa mga ito ang agad na dinisarmahan ang guwardiya na si Ronie Lustica, 35 bago dinala sa loob ng banyo habang ang isa naman ay nagsilbing look-out, samantala ang isa ay nagtungo sa cashier at kinuha ang collection money na nagkakahalaga sa P253,877,00.

Matapos ito, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang humingi naman ng tulong ang mga biktima sa mga nagpapatrolyang tauhan ng PCP-2 na agad namang nagsagawa ng follow-up operation subalit hindi na naabutan ng mga ito ang mga holdaper.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at maaresto. RENE MANAHAN

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply