Pagbitiw ni Bautista pinuri ng PPCRV

PINURI ng isang opisyal ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagbibitiw sa tungkulin ni outgoing Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista kamakalawa.

Ayon kay PPCRC chairperson Atty. Rene Sarmiento, na dati ring naging commissioner ng Comelec, dahil sa naging pagbibitiw ni Bautista ay higit na magkakaroon ng pagkakataon ang poll body upang isaayos ang komisyon at magkaisa ang anim na Commissioners na bumubuo dito.

Iginiit ni Sarmiento na bilang isang collegial body ay hindi maganda ang pagkakawatak-watak ng mga opisyal ng Comelec.

Nauna rito, matatandaang ipinanawagan ng anim na Commissioners ang pagbibitiw o pansamantalang pagli-leave ni Bautista sa komisyon upang maisaayos at maasikaso ang mga kontrobersiyang inuugnay sa kanya at sa mismong komisyon.

Ilang ulit na ring nagkaroon nang hindi pagkakaunawaan ang ilan sa kanila na may kaugnayan naman sa naganap na May 2016 national elections.

Sa kabila nito, naniniwala rin si Sarmiento na makabubuti para sa pamilya ni Bautista ang kanyang pagbibitiw partikular na sa kanyang mga anak upang mas makasama at mabigyan ng mas mahabang oras.

Bagamat inianunsyo ni Bautista ang kanyang pagbibitiw kahapon ay magiging epektibo pa aniya ito sa ika-31 ng Disyembre, 2017. MACS BORJA

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply