Pagpatay kay Kian, Carl, Kulot hindi EJKs – Aguirre

PARA kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, ang pagpatay kina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman ay hindi ikinokonsiderang extrajudicial killings (EJKs).

Ang sirkumtansya aniya sa pagkamatay ng tatlo ay hindi sakop ng depinasyon ng EJK sa ilalim ng administrative order na nagbuo ng isang inter-agency committee para mag-imbestiga sa naturang insidente.

Sinabi ni Aguirre na ang operational definition ng EJK sa ilalim ng Administrative Order 35 series of 2012, where “the victim was a member of, or affiliated with an organization, to include political, environmental, agrarian, labor, or similar causes; or an advocate of above-named causes; or a media practitioner or person(s) apparently mistaken or identified to be so.”

“Sila Kian delos Santos ba, sila Carl Arnaiz at si Kulot, sila ba ay members ng media, sila ba ay member ng cultural minorities? Hindi. Kaya hindi sila pwedeng pumasok sa definition ng EJK,” pahayag ni Aguirre.

Sa halip, sinabi ni Aguirre na ang mga pagpatay ay ikinokonsidera lamang na common crimes, at hindi EJKs, tulad aniya nang nangyari noong martial law na panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“Katulad nung mga ginawa ni Marcos nun, ang tawag doon murder, hindi EJK.”

Binuweltahan ni Aguirre ang mga kritiko na gusting ibahin ang ibig-sabihin ng EJK, para lamang pasamain ang Rodrigo Duterte administration at ang kanilang kampanya laban sa illegal drugs.

“Bakit nila babaguhin? Why change the rules in the middle of the game? Isa lang ang purpose nila, gusto nilang pasamain ang Duterte administration at gusto nilang papasukin yan sa EJK. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply