Pinoy sa HK pinutol ang ari sa depresyon

DAHIL sa sobrang depresyon, isang Pinoy driver sa Hong Kong ang nagtangkang magpamakatay sa pamamagitan ng pagputol ng kanyang sariling ari.

Nakaratay ngayon sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital ang biktima na nakilala lamang na alyas Martin, 42, tubong Ilocos at nagtatrabaho bilang driver sa Shau Kei Wan sa Hong kong.

Ayon sa 37-anyos na nobya nitong ayaw magpakilala, natagpuan na lang niya ang kasintahan na duguan sa loob ng comfort room ng kanilang apartment sa Ngoi Man Street.

Sinasabing pinutol ng biktima ang ari gamit ang isang kitchen knife.

Hindi naman maidugtong ang naputol na ari ni Martin dahil tinapon niya ito sa toilet bowl.

Hindi naman nabanggit sa ulat kung nai-flush ng biktima ang kanyang naputol na ari o itinapon lamang sa inidoro.

Tumanggi ang biktima na idetalye ang sanhi ng sinasabing depresyon nito. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply