Rockets nasilat ang GSW sa opening game

NASILAT ng Houston Rockets ang defending champion Golden State Warriors sa pagbubukas ng panibagong NBA season, sa iskor na 122-121.

Nag-init ang kamay ni James Harden na nakapagtala ng 27 points at 10 assists.

Surpresa naman ang naging paghahari ni Nick Young sa Warriors na pumoste ng 23 puntos, habang may 22 points si Stephen Curry.

Naging mainit agad ang Golden State sa umpisa ng laro matapos nilang makuha ang kanilang championship rings sa season opener.

Nabatid na umabot pa sa 17 points ang kalamangan ng Warriors bago ang break.

Ngunit nagkaroon ng injury sa tuhod si Draymond Green sa huling bahagi ng third quarter kaya hindi na ito nakapaglaro pang muli.

Hindi naman nagpahuli ang Rockets at nagawa nilang mapapababa ang lamang ng kalaban na umabot sa isang puntos sa huling dalawang minuto ng laro, 119-118.

Nakalasap naman ng pagkalamang ang visitor team nang selyuhan nina Harden at ni PJ Tucker ang 122-121 lead ng kanilang koponan sa huling 44 seconds.

Sa huling 10 segundo, hindi nagawang maipasok ni Curry ang panlamang sanang tres na nag-rebound naman ni Kevin Durant ngunit nahuli lamang ang kanya sanang game-winner nang 0.1 segundo.

Nagtapos naman ang bagong salta sa Houston na si Chris Paul sa apat na puntos, 11 assists at walong rebounds.

Nabatid na may iniindang pananakit ng tuhod ang 32-anyos na si Paul na mula pa noong preseason finale ng kanyang team.

Sunod na makakaharap ng Rockets ang Sacramento Kings bukas, habang ang New Orleans Pelicans naman ang makakatunggali ng Warriors sa Sabado. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply