SBMA chief wagi ng Global Filipina Award

eisma1

NAGWAGI si Subic Bay Metropolitan Authority Chairperson and Administrator Wilma “Amy” T. Eisma sa patimpalak sa taong ito para sa “100 Most Influential Filipina Women in the World” (Global FWN100), na kumikilala sa pamumuno ng mga kababaihang Pinay sa global workplace.

Tatanggapin ni Eisma ang parangal sa gaganaping 14th Filipina Leadership Global Summit sa Oktubre 25-29, 2017 sa Toronto, Canada.

Ang Global FWN100 award, na ipinagkakaloob ng San Francisco, California-based non-profit association Filipina Women’s Network, ay kumikilala sa kababaihan na naging katangi-tangi sa kani-kanilang propesyon, industriya at komunidad.

Ayon kay Marilyn Mondejar, founder at CEO ng Global FWN100, sa pagtanggap ng naturang karangalan, makakasama ni Eisma ang grupo ng mga matagumpay na Pinay sa buong mundo na kabalikat sa adbokasiya ng FWN para mapalakas ang socio-economic, professional, political at educational power ng mga Pinay bilang mga lider at policy-maker.

Si Eisma na isang abogado ay naging nominado sa kategoryang “Builders”, isa sa walong kategorya sa naturang parangal.

Nagwagi siya sa ilalim ng Tertiary Economic Sector for service industry na sumasakop sa nominasyon para sa ‘government, finance, education, legal at travel/tourism professions’ at marami pang iba.

Ayon sa Global FWN100 Selection Committee, ang mga nanalo ay pinili matapos ang masusing proseso.

Ang scoring ay base naman sa activities at projects ng nominado sa loob ng nakaraang tatlong taon na may kinalaman sa ‘leadership, challenge at ownership’ o sa degree kung paano hinarap ng nominado ang mga hamon nito sa mga inisyatiba, proyekto o aktibidad.

Kabilang sa mga nanalo sa Global FWN100 search noong nakaraang taon si Vice President Leni Robredo, na nominado para sa “Nicole” award.

Sa taong ito, tumanggap ang awards body ng 85 nominado mula sa 14 na bansa. May 14 sa mga ito ang para sa Builders category kung saan nanalo si Eisma.

Ang panalo ni Eisma ay inihayag makaraang italaga ito noong Setyembre 25 bilang kauna-unahang babaeng Chairman-Administrator ng SBMA na namamahala sa Subic Bay Freeport Zone, ang pangunahing industrial and commercial area sa bansa.

Bago naging CEO ng Subic agency simula January 2017, naglingkod si Eisma sa loob ng 15 taon bilang corporate, government and regulatory affairs manager ng PMFTC, Inc., Philippine affiliate ng Philip Morris Int’l. kung saan nagtrabaho sila kasama ang local tobacco farmers at farming communities sa buong bansa kaya’t nakilala ang kompanya sa buong mundo sa ‘farmer programs, best practices systems and leading innovations in agriculture labor relations, communication programs at government relation strategies sa supply-chain setting.’

Si Eisma ang nagbigay nangasiwa sa public affairs ng kompanya na tumanggap ng international awards sa corporate social responsibility.

Nakatulong din ang kanyang kaalaman sa ‘government processes, culture and engagement’ sa pagkakapasa sa Philippine Tobacco Regulatory Act of 2003 at pag-amyenda sa Excise Law noong 2005 at 2012.

Nauna rito, naging chief of staff siya ng Secretary of the Department of Trade and Industry mula 2000 hanggang 2001 bilang Head Executive Assistant and Legal Counsel ng Majority Floor Leader mula 1998 hanggang 2000.

Si Eisma ay miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at may Doctor of Jurisprudence degree mula sa Ateneo de Manila University’s College of Law. RNC

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply