Supplemental budget sa Marawi rehab, pinasesertipikahan

HINIMOK ng ilang mga kongresista si Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang supplemental budget sa ilalim ng Tindeg Marawi Bill para sa pagbangon ng Marawi City matapos na ideklara ang liberation sa lugar.

Pangunahing layunin ng House Bill 5874 o Tindeg Marawi Bill na mapondohan ng sapat ang recovery ng lungsod na nakaranas ng matinding digmaan.

Tinatayang aabot sa P10-bilyong supplemental budget ang kailangan para sa full recovery ng Marawi na gagamitin para sa humanitarian assistance at reconstruction.

Ipauubaya naman sa DND, DSWD, DPWH at NHA ang paggugol sa pondo.

Kasabay nito, hinimok din ni Kabayan Rep. Harry Roque na sertipikahang urgent ang House Bill 222 o Rights of Internally Displaced Persons Act na nakatuon naman sa proteksyon ng karapatan ng mga biktima ng giyera at tumitiyak ng pagbabalik sa kanilang lugar o maayos na resettlement.

Malaki aniya ang maitutulong ng Kongreso para sa rehabilitasyon ng lungsod at pagbabalik sa normal na buhay ng mga residente sa pamamagitan ng pagsasabatas sa mga panukalang aayuda sa mga hakbang na ito. MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply