TnT nakaganti sa Ginebra

tnt2

NAITABLA ng TnT KaTropa sa 1-1 ang kanilang best-of-five semifinals series sa PBA Governors’ Cup kontra Barangay Ginebra sa iskor na 103-96.

Nangabayo sa panalo ang import nilang Glen Rice, Jr. na nakapagtala ng 21 points habang mayroong 20 points at 10 rebounds naman si Jayson Castro.

Nagdagdag naman ng 14 points, limang rebounds si RR Pogoy, habang mayroong 10 points at limang rebounds naman si Mo Tautuaa.

Hawak pa ng Gins ang lamang sa second quarter hanggang sa mahabol ito ng TNT sa pagpasok ng third quarter.

Naging hamon para sa TNT ang kanilang laro dahil sa pagkaka-foul trouble ng kanilang import na hindi naglaro sa buond third period.

Sa kabilang dako, sisimulan na ng Gilas Pilipinas ang kanilkang kampanya sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Makakaharap ng Gilas ang Japan sa Nobyembre 24 sa Olympic Park General Sports Ground Gymnasium sa Tokyo, Japan.

Wala pang buong line-up ang ipinapalabas ng Gilas sa mga maglalaro at kung sino ang kukuning naturalized player.

Matapos ang laro sa Japan ay makakaharap naman sa Pilipinas ng Gilas ang Chinese-Taipei sa Nobyembre 27, 2017.

Ang mga susunod na window period say sa Pebrero 2018, June, July at September 2018. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply