TRAPIK SA METRO, WALA NA RAW LUNAS

johnny_magalona1035

ANG sabi ng Malakanyang, wala raw talagang “silver bullet solution” sa dinaranas nating mabigat na trapiko araw-araw sa ating bansa, partikular na sa EDSA para masolusyunan ang trrrrrrraaaapik.

Kaya nga raw kahit anong gawin ng gobyerno ay hindi basta-basta masosolb ang tumitinding problema sa mabigat na daloy ng trapiko sa buong Metro Manila.

Ngunit sinasabi naman ni Presidential Communication Office Sec. Martin Andanar, naniniwala siya na malapit na rin daw na maresolba ang problemang ito dahil hindi nagpapabaya ang gobyerno laban sa patuloy na pagsisikip at pagpaplano ng pamahalaan para masolusyunan ito (kailan?).

Katunayan nga, sumang-ayon ang naturang kalihim sa panukalang mailipat sa labas ng Metro Manila ang ilang national government office para raw ma-decongest ang siksikan sa Ka-maynilaan.

Tama po ang gobyerno natin, ilipat sa labas ng Metro Manila ang ibang mga opisina ng gobyerno, pero ang tanong, hanggang kailan ba maghihintay si Juan dela Cruz sa solusyon na ito?

Aba’y baka magkandakuba-kuba na si Juan dela Cruz sa kahihintay ay hindi pa rin naililipat ng gobyerno ang ilang government offices sa labas ng Metro Manila.

Ito’y dahil sa matagal na proseso ang paggawa nito. At hindi ito ‘yung ‘pag sinabi mo ngayon, bukas ay tapos na.

Kung ako ang tatanungin, bakit hindi subukan ng gobyerno na ipagbawal ang mga pampasaherong bus sa EDSA na dahilan ng pagsisikip ng trapiko sa lugar?

Mantakin ninyo, lahat ng destinasyon o direksyon ng mga pampasaherong bus na ito ay halos sa EDSA dumaraan kaya tuloy ay bumper to bumper ang trapik.

Dapat, ang mga bus na nanggagaling sa South (Laguna, Batangas, Quezon) ay magte-terminal sa Bicutan at ang galing naman sa Cavite ay sa Coastal Road sa Macapagal cor. Libertad St., Pasay City ang terminal.

Iyong manggagaling sa Norte, ang terminal ay maaaring sa Mindanao Avenue, QC o sa Camachile St., Caloocan.

Kung hindi man mag-click ito, ibalik uli sa dati.

Tutal wala namang mawawala kung susubukan natin ang pamamaraang ito, hindi ‘yung maghihintay na lamang ang publiko ng sakit ng ulo dahil sa araw-araw na trapik (pisting yawa).

Hindi ba, Sec. Andanar?

PAIHI NI JR V. SA LIMAY OKS KAY HEPE

Walang tigil ang ginagawang “paihi” nitong si JR Velasco na makikita lang ito sa bungad ng Highway ng Limay, Bataan na kahit alam ng hepe ng nasabing bayan ay hindi ito hinuhuli ang balita ko kasi(hindi ko lang alam kung totoo) ay may natatanggap daw ang hepe ng nasabing bayan.

Totoo ba ito Limay COP P/Insp. Mad Julman?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply