Wade, Rose ng Cavs bigo sa unang laro vs Hawks

wade1

BINIGO ng Atlanta Hawks ang unang paglalaro nina Dwyane Wade at Derrick Rose sa bago nilang team na Cleveland Cavaliers,

Ito’y matapos masilat ng Hawks ang Cavs sa iskor na 109-93.

Ang dalawang All-Star guards na sina Wade at Rose ay kapwa nagtala lamang ng tig-seven points.

Hindi naman muna pinaglaro ang Cavs superstar na si LeBron James dahil nagpapagaling pa rin sa kanyang sprained left ankle.

Minalas din ang unang sabak ni Kevin Love sa bago nitong papel na sentro ng Cleveland sa kabila ng pagtala ng 12 points, five rebounds sa 15 minuto na paglalaro.

Nanguna naman sa magandang diskarte ng Atlanta si Dennis Schroder na kumamada ng 18 points.

Sa Sabado, sunod na haharapin ng Cavs ang host na Indiana habang bibisita naman ang Hawks sa Pistons. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply