Wildfire sa California, 15 na patay

UMAKYAT na sa 15 ang nanatay sa nagpapatuloy na wildfire sa wine region sa California.

Sa Sonoma County pa lamang, siyam na ang naitalang nasawi, tatlo sa Mendocino County, dalawa sa Napa County at isa sa Yuba County.

Sa Napa, namatay ang mag-asawang 99 at 100-taong gulang makaraang hindi makalikas mula sa nasusunog na bahay.

Ayon sa Sonoma County Sheriff’s Department, nakatanggap sila ng ulat na mayroon pang 200 katao na nawawala.

Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 115,000 acres o 46,500 hectares ang nasakop ng wildfire at 2,000 mga bahay at establisyimento na ang nasunog.

Idineklara na ni US President Donald Trump ang major disaster sa California, para makapaglaan ng karampatang pondo upang masawata ang malawak na wildfire sa western state. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply