2 patrol cars na nag-iimbestiga sa Bukidnon NPA attack, rinatrat

RINATRAT ng armadong kalalakihan kaninang Sabado ng umaga ang dalawang patrol cars na nag-iimbestiga sa pag-atake ng New Peoples’ Army (NPA) sa Bukidnon nitong Huwebes ng gabi.

Sa kabutihang-palad, walang nalagas o nasugatan sa mga pulis na agad nakipagpalitan ng putok sa mga hinihinalaang NPA rebels.

Sa ulat, naganap ang pag-atake dakong 8:25 a.m. sa Brgy. Tigkalaan, Talakag, Bukidnon.

Bago ito, nag-iimbestiga ang tropa ni S/Insp. Jessie James Lasdose, hepe ng Talakag Police Station hinggil sa pananambang ng mga rebelde sa police patrol ng Amai Manabilang Police Station kaya nagpunta sila sa nasabing lugar.

Ayon naman kay Philippine National Police (PNP) regional spokesperson Supt. Lemuel Gonda, pabalik na ang tropa ni Lasdose kasama ang mga tauhan ng Bukidnon Provincial Police Office sa headquarters nang may sumabog na mga landmine sa kalsada.

Bukod dito, pinagbabaril din ng mga rebelde ang dalawang sasakyan ng PNP na nagresulta sa palitan ng mga putok na tumagal nang halos 15 minuto.

Nahirapan ang pulisya na mapasok ang ambush site dahil batid nila na balwarte ito ng mga rebelde.

Maaalalang isang apat na buwang sanggol na babae at pulis ang nalagas nang tambangan ng NPA rebels ang Mahindra police patrol noong Huwebes ng gabi.

Napag-alamang sugatan din ang chief of police ng Amai Manabilang Police Station at dalawa pang kasamahan, habang tatlong sibilyan ang dinala rin sa magkaibang pagamutan sa Bukidnon at Cagayan de Oro City. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply