5 patay sa California shooting

TEPOK ang limang katao kabilang ang gunman sa insidente ng pamamaril sa Tehama County na isang rural area sa California.

Ayon kay Assistant Sheriff Phil Johnston, nagsimula ang pamamaril sa isang bahay sa Tehama County at nagpatuloy sa Rancho Tehama Elementary School.

Maliban sa limang namatay, mayroon pang pitong nasugatan kabilang ang tatlong menor-de-edad.

Sa inisyal na imbestigasyon, may nakaaway muna ang suspek na tinatayang nasa edad 50 bago ito namaril.

Nakuha sa lugar ang isang semi-automatic rifle at dalawang handguns.

Kwento ng isang residente, nakita niya ang suspek na bigla na lamang nagpaputok ng baril kung saan unang napatay ay isang babae.

Nasa loob aniya ng sasakyan at nagmamaneho ang suspek habang nagpapaputok ng baril.

Pinipili din ng suspek na residente ng Tehama County kung sino ang kanyang babarilin.

Ayon kay Johnston, nasa 100 pulis ang rumesponde sa insidente, at agad inilikas ang mga estudyante sa ligtas na lugar.

Kabilang sa mga nasugatan at isang 6-year-old na estudyante na nagtamo ng dalawang gunshot wounds, at isa pang bata na nabaril naman sa kanyang hita.

Sa datos, 1,485 lang ang residente na naninirahan sa komunidad na pinangyarihan ng pamamaril at karamihan sa mga ito’y nagmamay-ari ng baril. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply