AFP vs BIFF muling sumiklab, mga sibilyan lumikas

MULING sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa probinsya ng Cotabato.

Dahil dito, nagsilikas ngayon ang maraming sibilyan para hindi maiipit sa kaguluhan ay mailigtas ang sarili sa tiyak na kapahamakan.

Ayon kay Brgy. Lawili, Aleosan, North Cotabato Brgy. Chairman Eduardo Alinday, nadagdagan pa ang bilang mga bakwit na lumikas mula sa Brgy. Tonganon at Brgy. Bentangan sa bayan ng Carmen.

Tumitindi ang sagupaan ng 7th Infantry Battalion Philippine Army katuwang ang 602nd Brigade laban sa grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Torayfe ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS inspired group).

Naririnig pa ng mga sibilyan ang mga malalakas na putok ng 105mm. howitzers cannon target ang posisyon ng mga rebelde.

Maliban kay Torayfe, tinutugis din ng awtoridad ang may 10 high-value target na pinaniniwalaang may mga kasamang dayuhang terorista.

Nagpakawala rin ng bomba o rocket ang dalawang MG-520 attack helicopters ng Philippine Air Force sa kuta ng mga terorista.

Hindi pa matiyak kung may mga nasawi at nasugatan sa magkabilang panig.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nagpapatuloy pa ang air-to-ground assault ng militar sa Brgy. Tonganon at Bentangan sa Carmen, North Cotabato. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply