Aguirre, tetestigo sa impeachment ni CJ Sereno

KINUMPIRMA ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na tetestigo siya sa impeachment proceedings ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa House of Representatives bukas (Martes).

Ayon kay Aguirre, nakasentro ang kanyang testimonya kaugnay sa kanyang hirit noon sa Korte Suprema na mailipat ang mga kaso ng Maute group sa Metro Manila na dinelay naman umano ng punong mahistrado.

Hunyo 6 nang binalewala ng SC ang letter request ni Aguirre na mailipat ang pagdinig sa mga kaso sa Taguig City sa halip ay iniutos ng Korte Suprema na ang Cagayan de Oro courts ang hahawak sa rebelyon at iba pang criminal cases laban sa Maute members at sympathizers na nanguna sa Marawi siege na sumiklab noong Mayo 23.

Pero umapela si Aguirre sa SC at inihayag nito na kailangang mailipat ang pagdinig dahil sa security concerns lalo na sa mga huwes na hahawak sa kaso kayat nais niyang isagawa ang mga hearing sa Camp Evangelista, na headquarters ng 4th Infantry Division ng Philippines Army.

Sinubukan naman ng SC en banc session na talakayin ang isyu noong Hunyo 27 pero isinapubliko lamang ang resulta nito noong Hulyo 18.

Naniniwala si Aguirre na sinadya ni Sereno na i-delay ang pagpapalabas ng resolution dahil natalo umano ang punong mahistrado sa botohan na paglabag sa Konstitusyon.

Pero mariin naman itong itinanggi ng chief justice. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply