ANO ANG TOTOO?

SASAMPAHAN daw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dating beauty queen-actress na si Miss Maria Isabel Lopez ng patong-patong na kaso matapos nitong buong tapang na gamitin ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) lane noong Nobyembre 11, 2017, araw ng Sabado.

Okey lang na kasuhan si Miss Lopez pero kung kukumpiskahin pa ang kanyang lisensya ay tila masyado na yatang “overacting” sa bahagi ng mga traffic enforcement agency natin.

Siguro ay narinig o nabasa naman ninyo ang paliwanag ni Lopez na nagawa lang niya ‘yung paglabag sa batas trapiko dahil sa tawag ng pangangailangan (maaaring na-eebak, naiihi at kung anoman ‘yun).

Totoo ba naman, Miss Lopez?

Pero nangyayari naman talaga ito sa tao. Minsan nga, kapag nakainom ako ng maraming tubig ay naiihi ako maya’t maya. Kaya, kung ako ang nasa kalagayan ni Miss Lopez ay baka ganundin ang gawin ko (‘senya na po).

Okey lang na kasuhan ninyo ako pero huwag namang pati ‘yung lisensya ko ay kukumpiskahin ninyo.

Bilang isang mamamayang Filipino na nagmamaneho ay karapatan kong magkaroon ng lisensya sa pagmamaneho ng aking sasakyan.

Pero kung pati ang lisensya ko ay idadamay pa ninyo sa rasonableng pagkakamali ko ay huwag naman po…

Karapatan ko po bilang driver na magkaroon ng lisensya pero kung ipa-blacklist ninyo ang lisensya ko dahil sa rasonableng paglabag ko sa batas-trapiko ay maliwanag na pagsikil ito sa aking karapatan bilang mamamayang Filipino.

INUTIL

Tila inutil ang pamunuan ni Bataan Provincial Director Supt. Benjamin Silo sa pagsugpo sa talamak na operasyon ng mga “paihi” nina Bogs sa Orani at Jr Velasco sa Limay, Bataan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuwag ang pagnanakaw ng produktong petrolyo ng mga ito.

Nakapagtataka kasi na malayo man ang kampo ni Supt. Silo sa mga istasyon ng pulisya ay pwede naman niyang i-hand-radio o tawagan sa cellhone ang mga chief of police na nakasasakop sa bodega ng paihi ng mga kumag na ito.

Pero bakit nga ba at ano ang dahilan ng kawalan ng aksyon ni PD? Magkano ba, Supt. Silo, kung mayroon man.

Bahala na kayong mag-isip kung magkano, mga pare ko.

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply