Aquino nagpiyansa sa Mamasapano case

NAKAPAGLAGAK na ng P40,000 piyansa sa Sandiganbayan si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ito’y kaugnay sa mga kasong graft at usurpation of authority na isinampa sa dating Pangulo kaugnay ng pumalpak na Mamasapano operation noong 2015.

Sinamahan si Aquino ng kanyang mga kapatid na sina Ballsy Aquino–Cruz, Pinky Aquino-Abellada at Viel Aquino-Dy at ng kanyang abogado nang magtungo sila sa 3rd Division ng Sandiganbayan Clerk of Court.

Sa kanyang press conference sa kanyang tahanan sa Times St. sa Quezon City, ipinaliwanag ng dating Pangulong Aquino ang naging operasyon sa Mamasapano, Maguindanao.

Inamin ng Pangulo na nabola siya at napaniwala ng mga opisyal na humawak sa naturang operasyon.

Kasabay nito, tiniyak ni Aquino na hindi niya tatakasan ang mga kinakaharap niyang kaso sa Sandiganbayan.

Nanindigan ang dating Pangulo na hindi siya magpapa-ospital at kanyang haharapin ang kaso dahil naniniwala siyang nasa panig niya ang katotohanan.

Nahaharap ang dating Pangulo sa kasong graft at usurpation of authority dahil sa pumalpak na operasyon sa Mamasapano Maguindanao noong 2015.

Samantala, hindi mag-iinhibit si Sandiganbayan Presiding Judge Amparo Cabotaje Tang sa kaso ni dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa Mamasapano incident na napunta sa kanyang sala.

Ito’y kahit pa dating appointee ng dating Pangulo si Tang.

Nangako ang 3rd division chair na siya ay magiging patas sa paghawak sa kaso ni dating Pangulong Aquino. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply