Buwaya umatake sa Palawan, batang babae nawawala

ISANG 12-anyos na batang babae ang nawawala sa Palawan matapos atakihin ng buwaya ayon sa pulisya.

Ayon sa mga awtoridad, sumasalok lamang ng tubig ang biktima sa mapunong lugar sa lalawigan nang atakihin siya ng buwaya.

Nakita ng kanyang takot na takot na mga kapatid ang insidente.

Kasalukuyang isinasagawa ng coast guard at ng pulisya ang search operations ngunit walang nakikitang anomang senyales mula sa bata.

Ito na ang ikalawang beses na pag-atake ng buwaya sa Palawan sa loob lamang ng halos isang buwan.

Noong Oktubre, isang babae rin na sumasalok ng tubig ang nakagat ng buwaya ngunit nagawang makatakas matapos batuhin ng kanyang pamangkin ang buwaya. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply