Canadian PM Trudeau, dumating na sa bansa

DUMATING si Canadian Prime Minister Justin Trudeau para dumalo sa 31st ASEAN Summit.

Sa Clark International Airport sa Pampanga ay lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Trudeau.

Kumaway pa ang Canadian Leader at nag-thumbs up sa mga nag-aabang sa kanya sa Tarmac.

Masaya naman siyang sinalubong ni Department of Science and Technology (DOST) chief Fortunato dela Peña at iba pang opisyales ng gobyerno.

Nakangiti itong lumapit at binati ang mga performer habang papasakay na sa nakatalaga sa kanyang sasakyan.

Isa si Trudeau sa dialogue partners ng 10-member regional block.

Nauna nang natungo si Trudeau sa bansa noong 2015 nang idaos sa Pilipinas ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply