Celtics pinulbos ang Lakers, top team sa East

NASUNGKIT na ng Boston Celtics ang pagiging top team sa Eastern Conference matapos talunin ang Los Angeles Lakers, 107-96.

Umalagwa si Aaron Bynes ng 21 points, habang si Kyrie Irving ay nagpakawala naman ng 19 na puntos para iangat ang koponan laban sa nagpapalitan lang nilang kalamangan.

Habang sa bahagi naman ng Lakers, umabante sa 18 points si Brandon Ingram, na sinundan ni Kentavious Caldwell-Pope na nag-ambag naman ng 12 puntos.

Dahil dito, laglag sa 9th place ng Western Conference ang Lakers kasama ang Los Angeles Clippers sa 5-5 win-loss card, habang 10-2 na ang record ng Celtics na nakatakdang humarap sa 9th seeded na Charlotte Hornets sa susunod nitong laro. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply